Posted in Pieces of Poetry

Mediocrity

Natatakot akong tumula.

Ng tungkol sa bansa. Para sa iba.

Bala ang ibinubusal sa gustong umangal,

maging sa sadyang uhaw lang sa malinaw, malinis, malamig na katotohanan.

Natatakot akong tumula,

dahil laging mas matimbang ang pera kaysa kataga.

Mas madaling magutom ang tiyan kaysa utak.

Mas nababasa ang numero kaysa letra.

Natatakot akong tumula.

Umiiksi ang buhay ng sinumang mas maraming nais isatinig.

Pinipiringan, kinakaladkad, ibinabalya, niraratrat.

Natatakot akong tumula.

Mabuti nang tumunganga. magkibit-balikat. bumuntong-hininga.

at umasa sa wala.

Advertisements

Author:

Senior High School Teacher from the Philippines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s