Posted in Kuwento Kuwenta: A Compendium of Short Stories

Noong Katorse

Kumatok siya sa pintuan ko nang may pag-asang magkakausap kami. Nakaputing damit siya noong araw na iyon.

Isang ngiti ang sinalubong niya sa mata kong punong-puno ng galit. Alam kong inaasahan niyang papasukin ko siya, kakausapin ng matino, magkakaayos kami. Pero, ang hindi niya alam, nahanap ko ang baril ng kuya ko kaninang umaga at kahit nakikipagtalo ako sa isip ko ay kinuha ko pa rin.

“Sana…pakinggan mo muna ako. sandali lang ito.”

Hindi pa rin ako natitinag sa pagkakatayo, hawak ko ang seradura ng pinto.

“Alam ko..hindi na ako dapat pumunta pa dito – ”

Dapat lang, sabi ko sa utak ko.

“Pero -”

Hindi ko na siya pinatapos pa. Itinutok ko sa kaniya ang baril ni kuya. Nanlaki ang mga mata niya.Napuno ng takot. Hindi siya ganoon talaga. Madalang siyang matakot kahit na tumataas ang boses ko, o kaya ay mangiyak ngiyak na., kahit nagmamakaawa na.

Ang sarap sa mata.

“L-Lara…”

Ang sarap sa tenga.

Ilang beses siyang napalunok.Hindi ko na sinubukan pang basahin kung anong tumatakbo sa isip niya. Pagod na akong gawin iyon.

Kinalabit ko ang gatilyo. Ang sarap sa kamay at ang damit niyang puting puti ay nadumhan ng sarili niyang dugo. Pulang pula. Napakaganda rin sa mata.

Isa. Dalawa. Tatlo. Huminga ako ng malalim bago ko pinakawalang ang ilan pang putok. Lima, anim ,pito, walo…

Tumahimik ang paligid. Hinila ko ang bangkay niya pagkatapos papasok ng bahay ko. Patay na siya’y pinahirapan pa rin ako.

Kinuha ko ang kutsilyo sa may kusina at nilapitan ko siya. Hinatak ang dila niyang mahilig magsinungaling at pinagtatadtad ito. Kinuha ko ang palakol sa may likod-bahay. Sinibak ko siyang parang kahoy. Ganoon naman siya talaga. Lalo na kapag tinatanong ko noon kung ano bang balak niya sa aming dalawa.

Sinibak nang sinibak.Naligo rin ako sa sarili niyang dugo.

Napasalampak ako pagkatapos. Napakabango ng dugo niyang nakabahid sa mga palad ko. Napakabango.

Ilan sandali pa’y dinala ko na ang katawan niya sa likod-bahay. Saktong bumuhos ang ulan. Malakas. Nagputik kaagad ang lupa. Pero hindi ako nagpapigil. Kailangang maitago ko na ang bangkay niya. Mailibing. Mag-isa akong naghukay. Naghalo ang dugo at putik at tubig-ulan sa katawan ko. Patay na siya’y pinapahirapan pa rin ako.

Tinitigan ko siya kapagdaka. Naging maalat ang tubig na bumabasa sa mukha ko. Pikit mata’y hinulog ko siya sa hukay na ako mismo ang may gawa. Ang sarap sa tenga ng pagbagsak ng katawan niya kahit sa totoo lang ay wala naman itong tunog.

Nagpatuloy pa rin ang ulan habang ibinabaon ko siya kasama ng gitara niya, ng mga CDs niya, ng mga itim niyang t-shirt, ng mga sulat niya, ng mga tula niya. Tapos na.

Kinabukasan, kipkip ang kasalanang ginawa ko, mag-isa kong nilakad ang kahabaan ng Session Road. Malamig at yakap ko ang sarili ko.

at…nakita ko siya. Siya na nakabaon sa likod ng bahay ko. Nginitian pa ako katulad ng ngiti niya sa akin kahapon. At ang mga palad niya….may kahawak. Gumanti rin ako ng ngiti. At naglakad na palayo sa kanila.

Tapos na ang ulan. Lamig na lang ang naiwan. At ang mga bangkay…sandali lang, mabubulok din naman.

Advertisements

Author:

Senior High School Teacher from the Philippines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s