Posted in Pieces of Poetry

Pananaliksik

Saan ba hahanapin

ang mga matang hindi kailanman titingin nang pailalim,

hindi magmamatiyag sa pagkatalisod,

at hindi magbabantay sa mantsang maaari pang palalain?

 

Saan ba puwedeng bumaling

ang isang nagtiwala sa dugong

ang sabi-sabi’y mas matimbang pa sa tubig,

ngunit ilang beses nang tinalikuran

para sa pag-abot sa mga makasariling inaasam?

 

Saan kaya maaaring manahan

ang isa nang hindi na nag-aalala,

kung kasunod ba ng pangalan niya ang mapapait na salita

habang siyang nahihimbing na?

Na hindi ginagambala ng mga paghihinala,

kung siya ba’y pinapatay na sa isipan ng iba?

 

Saan nga kaya maaaring

makahanap ng pag-ibig ang isa,

na hindi tila-bahang hanggang tuhod ang lalim,

kundi’y parang dagat

na ang kaibuturan

ay hindi pa nadadampian ng maninisid?

 

Saan nga ba kaya

maaaring pakawalan ang pagmamahal,

nang hindi sinasagot ng sanlibong punyal?

Dahil maniwala kang nagpakita ako nito,

nang walang pamimilit o pagpipigil,

at nakatanggap ako ng

naglalakihan, nagbabagang bato.

 

Dati akong kumapit sa bigkis ng samahan

na nang dumating ang naglalakihang alon,

ay sinadyang kinalas,

upang ako ang malunod.

 

Saan nga ba muli hihila

ng ngiting tulak ng saya?

ng patalim na puputol sa luha?

ng unan at kumot na payapa?

o ng pagkaing may lasa?

 

Saan nga ba susuling ang isa

na kumakapit na lamang

sa panghalina ng paglayo,

para lang maghilom?

Dahil muli, maniwala ka,

gaano man katatag o katanda na ang puso,

napapagod din ito,

at nagsasawang manatiling napapalibutan

ng mga mapagkunwaring payaso.

 

Dahil muli, maniwala ka,

gaano man katatag o katanda na ang puso,

maghahanap din ito ng panibagong uuwian,

na malayo sa sinumang

paulit-ulit na papatay rito.

Posted in Pieces of Poetry

Matured

Masaya ang pagtanda

Kung may pinagkatandaan ang isa.

Hindi na siya pinapaikot

ng mga salita, ni magpapaikot man ng iba.

Hindi iginigiba ng masasakit na lihim

o naglilihim ng pagkakamali.

Pinapatibay ng mga punyal na matatalim

na sa likod niya’y nakabaong malalim,

o nagpapaulan man nito

sa dibdib ng iba.

Kumakapit lamang siya sa totoo,

Hindi sa pandaraya,

hindi sa kasiyahang

sa huli nama’y guguho.

Posted in Pieces of Poetry

Gusto ko na Sana ng Sarili Kong Kuwento

IMG_20151011_070935[1]Gusto ko na sana ng sarili kong kuwento

Para sa puso kong ilang taon na ring humahabi ng mga pangarap nang mag-isa.

Isinusulat ang mga ito sa malalamig na dingding na katitigan madalas at extension ng puso

at isip ko.

Muli silang binabalikan sa mga panaginip, sa mga gabing unan lang at kumot ang kinakapitan, sandigan.

Para sa puso kong nilalakad mag-isa ang kahabaan ng mga nasa niya,

At nakakarating sa mga destinasyon nitong wala man lang yakap na sumasalubong.

Para sa puso kong ilang ulit na rin yatang nag-akala,

nagsabing “baka ito na.” “Baka siya na.”

Pero pinaiyak, nilamukos, naihampas din sa tinik ng lungkot

ng “ay hindi pala.” ‘Hindi siya.”

Para sa puso kong nakakilala ng ilang mga mukha,

at yumakap sa mga kuwento sa likod ng mga ito, gaano pa man kababaw, kalalim,

kay hirap unawain…pero nakinig at nakisabay sa mga usapang inaabot ng umaga.

Hindi tumingin sa kulay, o sa dumi, o sa mali.

Dahil alam nito, pareho-parehong mapanghusga ang mga puso.

Pero gusto niyang maiba,

Sa pagiging bukas, tumatanggap. Para tanggapin din siya at pagbuksan.

Para sa puso kong may sarili ring mga takot – sa pag-iling ng mga ulo, pagtaas-baba ng mga tingin, paghawak sa mga palad pero may nakatakdang panahon ng pagbitaw, sa mga salitang walang katugon, tawag na pinuputol, sa mga tawang dating may himig at biglang magiging tawang pilit, sa mga “mamaya na lang” at “nakalimutan ko, pasensya na.”

Takot ito at alam niyang madalas, ang mga takot niya’y totoo.

Para sa puso kong maraming takot pero liban sa isa – ang sumubok kahit maaaring sa umpisa pa lang ay talo na.

Gusto ko na sana ng sariling kuwento. Kahit iyong simple lang.

Walang prinsipeng darating sabay ng kabayo, at sisigaw ng pangalan ko o gigising sa akin sa pamamagitan ng halik. Simple lang – ng pagdating na walang ingay at mag-uumpisa sa ngiti pero gigiba sa anumang nakapagitan sa “ako” at “siya.”

Gusto ko na sana ng sarili kong kuwento, na pwede ko nang kapitan

kapag ang lakas, alab, tapang na nakaimbak sa dibdib ko

ay hindi na sapat o aandap andap na.

Gusto ko na sana. Sana. Nga lang, wala pa.

Wala pang nangahas na tumingin sa akin at hindi iisiping nagkamali lang siya.

Wala pang sumubok, marahil dahil sa pag-aalalang masusugat

siya ng mga kanto ng pagkatao ko.

Gusto ko na sana. Nga lang, wala pa

Wala pang letrang magtatakda kung paano’t saan ito magsisimula. .

Posted in Pieces of Poetry

The Visit

Like a dead rising back from the grave, you made your existence known. Taking calls is easy, a bubbly hello is supposed to be given free. But your resurrection is as unlikely as the rain in a blazing summer. No, I don’t want to entertain strangers.

#2

Posted in Pieces of Poetry

Ang Anatomiya ng Pamamaalam

Parang kandilang hinipan,

Sa umpisa, may usok.

Kukumpas- kumpas sa hangin,

Maglalakba paitaas,

Kakalat.

Hanggang sa kainin ito ng dilim.

Walang pinagkaiba

Sa araw na sabihin kong tama na.

Dumaraing ka ng liwanag.

Pero walang darating.

Ang kandilang hinipan,

Sindihan man muli

Upang gumanti sa dilim,

Upang ito’y lamunin,

Mauupos at mauupos pa rin.

Posted in Pieces of Poetry

Out of Tune

You’re the guitar I’ll The Guitar that will never be played againnever strum

nor touch again.

My heart has become tone-deaf when you went away,

when you slammed the door of your feeble heart.

I hear no lullabies when I’m torn or restless,

no serenades when I’m longing for comfort.

I’m lost in the wilderness,

I cannot find my way back

to the pedestal where you had placed me high up on.

In time, the wind will blow away all the sounds that used to caress my cheek.

But I know,

you’re the guitar I’ll never strum

nor touch again.